Ika 26 ng Setyembre, 2009 Pilipinas. Nang magising ang mga residente sa Metro Manila, ikinagulat nila ang lakas ng buhos ng ulan at ihip ng hangin na dala ng Bagyong Ondoy. Ilang oras pa lamang ang nakakalipas, halos lumubog na ang isang lungsod. Sa ibang bahagi naman ng Asia at ng mundo, nagkaroon ng ibat ibang uri ng kalamidad. Sa mga pulo ng Samoa at Sumatra, Indonesia, nagkaroon ng lindol na may lakas ng magnitude 8.0, pagkatapos nito ay tinamaan naman sila ng isang tsunami. Sa America naman ay sunud-sunod ang matitinding sunog sa estado ng California. Ito ang mga nangyayari sa kasalukuyan; bagyo, lindol, tsunami at mga sunog.
Ayon sa data mula sa gobyerno noong ika-29 ng Setyembre, 2009 mayroong 246 na taong namatay, 38 taong nawawala at 5 nasaktan dahil sa Bagyong Ondoy. Sa Samoa at Sumatra, mayroong 1292 taong namatay dahil sa tsunami at lindol noong ika-30 ng Setyembre. Ang mga ipinapakita ng mga statistikong ito ay maliit na porsiyento lamang ng epekto ng mga kalamidad sa ating mundo. Masasabi nating talagang nagdurusa ang mga tao pagkatapos ng isang kalamidad. Maraming namamatay, maraming nasasaktan, pisikal man o emosyonal. Ang mga negosyo ay bumabagsak dahil sa mga nasirang produkto at nawawalan ng hanapbuhay ang mga trabahero. Sa ating paligid ay makikita ang mga nasirang gusali, mga natabunan ng putik o kayay lupa at mga punong nakakalat na lamang sa kung saan-saan.
Maraming taong nagtataka kung bakit ito nangyayari sa kanila, inosente naman sila, wala naman silang ginagawang masama ngunit hindi nila naiisip na hindi lamang sila ang tanging apektado, hindi lamang sila ang tanging pinagbibintangan. Nakakalimutan nila na mayroon pang ibang rason kung bakit tayo natatamaan ng sunud-sunod na kalamidad. Mga rason tulad ng polusyon, sobra-sobrang pagkuha ng likas na yaman at ang pagiging makasarili ng tao. Dito pa lamang sa Pilipinas, kahit saan ka man tumingin, makikita mo ang mga basurang nakakalat lamang sa kung saan-saan. Mayroon ding mga motoristang walang pakialam sa binubugang nangingitim na usok ng mga sasakyan nila. Ang mga ginagawa nating polusyon ay dumaragdag pa sa mataas na lebel ng polusyon sa buong mundo. Hindi natin namamalayan na untiunti na nating sinisira ang kalikasan; hindi natin alam na ang basurang ikinakalat at iniiwan sa lupa at karagatan ay nagpapakawala ng mga delikadong kemikal na makakasama sa lahat. Alam nating lahat na ang mga bansa ay mayroong mga napakaimportanteng likas na yaman. Tama lamang na kunin natin ito at gamitin dahil tayo na din naman ang may ari nitong mga ito ngunit minsay sumusobra na ang pagkuha natin na hindi na natin inaalala ang mga maarang mangyari dahil ditto. Halimbawa, ang tinatawag nating illegal logging. Dahil ginugusto ng mga negosyante na makakuha sila agad ng maraming pera, kukuha sila ng maraming maari nilang ibenta tulad ng punong-kahoy. Sa mga napagaralan natin sa asignaturang Siyensiya, alam natin na ang ugat ng halaman ay siyang humihigop ng tubig mula sa lupa. Ang mga puno sa mga bundok at gubat ay ang sumisipsip ng tubig sa mga masmababang lugar ngunit dahil sa ginagawa ng taong sobrang pagkuha ng puno, nagkakaroon ng baha sa mga lugar na hindi naman dapat mabaha at gumuguho ang lupa sa mga daanang malapit rito. Sa mga ipinakitang halimbawa ukol sa polusyon at sa sobra-sobrang pagkuha ng likas na yaman, maari nating sabihin na ang pinakapanimula nitong lahat ay ang tao. Tao dahil makasarili tayo, tao dahil pabaya tayo. Iniisip na lamang natin ang kabutihan ng sarili, at binabalewala ang paligid. Hindi ba natin naisip kailanman ang pagsira natin ng kalikasan ay ang magiging dahilan ng ating paghihirap?
Isipin natin at balikan ang nakaraan; tingnan natin ang buhay noon at ang buhay ngayon. Noong unang panahon, pinahahalagan ng mga tao ang kalikasan hindi lamang dahil itinuturing nilang mga Diyos at Diyosa ang mga ito, ngunit dahil na din sa kaalaman nilang hindi sila mabubuhay kapag itoy nawala sa kanila. Alam nila na ang kalikasan ay nagbibigay-buhay sa kanila. Dito nila nakukuha ang pagkain, tirahan, pananamit at hanapbuhay. Hanggang ngayon naman itong mga ito, hanggang ngayon naman, ang kalikasan ay siyang nagbibigay buhay sa atin ngunit dahil sa kaunlarang nararamdaman natin sa teknolohiya at iba pa, iniisip na lamang natin na ang kalikasan ay isang bagay na kayang-kaya nating ipagwalang bahala. Aantayin pa ba natin ang katapusan ng mundo bago tayo magbabago? Kung ngayon pa lamang, ganito na ang lebel ng kasiraan dulot ng mga kalamidad, paano na ang mga susunod pa?
Salamat sa inyong oras at magandang umaga/hapon sa inyong lahat.
-
-
-
-
HOGEHD. I don't think I'll survive memorizing that. DON'T CRITICIZE! HAHA! DISCLAIMER: HINDI AKO MAGALING MAGSALITA NG TAGALOG...OR WRITE IT DOWN ON PAPER. SOBRANG LITERAL TRANSLATION NA LANG NGA EH! WAHAHAHHAA!
it's freaking 2.5 pages long.
Ang I'm 4th on the list. O: Someone remind me why I volunteered again? AUGH and halos same pa kami ng talumpati ng 3rd on the list. OH FOREVER PARTNER WHY DID WE HAVE TO HAVE THE SAME FRICKING TOPIC.
Ah well, until we meet again.
Ich sie Sehe morgen? WRONG GRAMMAR AGAIN I THINK! LOL LOL LOL LOL I only speak English and Hokkien fluently. Not Tagalog ang definitely not German.